![Picture](/uploads/6/1/1/4/61149269/6137651.jpg?404)
Sa kasalukuyang panahon ang kabataan ay nasa kaisipang kolonyal sapagkat mas tinatangkilik nila ang produkto at kultura ng ibang bansa. Madalang na sa panahong ito ang pagpapahalaga sa sariling wika at panitikan na hindi na mararamdaman. Ang mga kabataan na namulat sa gadget at mga imbensyon na galing sa ibang bansa ang naging pundasyon ng kanilang paniniwala, prinsipyo at hilig. Nakakatakot isipin sa mga susunod na panahon ay makalimutan na ng mga ito ang sariling pagkakilanlan.
Ang katotohanang ito ay hindi maipagkakaila sapagkat talamak ang mga kabataang nakikinig ng banyagang musika sa halip na OPM, maraming kabataang ang bumibili ng produktong banyaga, malaking bilang ng kabataan ang nalason na ng kaisipan at kulturang banyaga. Halimbawa ang pagtangkilik sa KPOP, Anime, American Pop Culture atbp. Sa sarili ng bawat isa nag sisimula ang mga problema katulad ng bansang Pilipinas na ang suliranin ay ang sarili nitong mamayanan. Ang mga isyung ito ang nagtulak sa amin upang gumawa ng isang konsepto na maaring makatulong na maghikayat at maipakita na ang kultura, wika at panitikang Pilipino ay napakaganda at hindi dapat binabalewala.
Ang pagtuturo ng pagbikas at pagkumpas ng tula sa mga kabataan ay maaring magbukas ng opurtunidad at potensyal ng bawat isa. Ang tula ay hindi isang simpleng talata o linya dahil ito ay ang paglalahad ng damdamin na maaring maging instrumento ng isang kabataan tungo sa kaligayahan at kapayapaan.